Sunday, September 26, 2010

The Day You Said Goodnight

"Ay, sha ba yon?!"

isang taon na ang lumipas simula nung pinilit kong pumasok kahit ang lakas na ng ulan sa labas.. sayang kasi ang baon.. hehe..

"wag ka ng pumasok anak.. lakas ng ulan ohh .." sabi ng nanay kong nag'aalala..
"eeh!! may test kami.. hindi nagbibigay ng special test un.." dahilan ko naman para lang mabigyan ng baon at makaalis ng bahay kahit baha na sa ibang lugar..
"hindi.. dito ka na lang.." galit na sabi ng nanay ko

tahimik na lang akong nagmukmok sa bahay ng ilang oras nang biglang kumahol ang aso.. may tao sa labas.. si glenn.. at ang girlfriend nya.. ang bespren kong si roan..

"ja.. pwede bang dito muna si roan?? lampas tao na kasi ung baha samin ee.. kailangan ko kasing pumunta samin.. sige na naman.."
akoy nag'isip at nataranta.. batas kasi sa bahay na bawal magpapasok ng tao.. maliit lang kasi ang bahay namin.. baka magiba.. hehe..
sa pagmamadali ni glenn ay nagdesisyon na lang siya na isama si roan lumangoy papunta sa kanila..

naawa naman ako sa kalagayan nila.. kaya't dali dali akong umakyat muli sa bahay namin at makiusap sa aking ina na patuluyin si roan pasumandali.. pumayag naman sha kaya nagmadali akong bumaba at hinabol ang wala pa sa kalayuang sila glenn at roan.. madulas dulas pako sa kalsada dahil bukod sa ulan, madulas pa ang chinelas na nakuha ko..
"GLENN!! GLENN!!" sumigaw nako dahil pag hinabol ko muna sila bago tawagin, baka makarating na kami sa frisco..
"sige glenn samin muna si roan.. puntahan mo muna yung pamilya mo ron.. pumayag si mama." kayat dinala ko agad si roan samin para makapagpatuyo..

maya maya ay naglibang kami.. nang biglang may nagtanong sa text.. "ok lang ba sa inyo?" si jeffrey.. ang best friend kong lalaki since elementary.. tinanong ko si mama.. "ma, si jep din daw po walang matuluyan.. hindi pa raw kasi nagpapakita ung gate nila ee.. pwedeng dito na lang din po muna sha.?" pumayag naman si mama at inantay ang isa pang kaibigan habang naglalaro kami ni roan ng dominoes..

"RRRR... RAWR! RAWR!" galit na kahol ng aso habang may kumakatok..
"Jan Anthony Cruz daw..?" tanong ng kapitbahay namin..
"ako yun.. baket?" bigla akong napatingin sa harap ng gate at nakita ko ang bespren kong si jeffrey na mukang pagod na pagod
"ui jep..lika dito dali.. pano mo natunton tong samin? diba sabi ko sayo paramdam ka pag nasa petron ka na?" nagtatakang tanong ko sa kaibigan
"naalala ko kasi nung hinahatid ka namin." sagot ni jep
"ah.. tara akyat na tayo.." paanyaya ko sa kaibigang mukang pagod din..

pagakyat nya nakita nya ang isang babaeng kalaro ko ng scrabble..
"ay lot, sha nga pala.. bespren ko si roan.. bes, bespren ko si jep" pakilala ko sa kanila
"roan? bespren mo.. teka.. sha ba yung kinukwento mo dati..? yung...?" tanong ni jeppie na animoy nambabasag
"Oo! behave ka na jan! anjan si mama!" biglang kaming natawang tatlo
"Hoy anu yan?! mukang may hindi ako alam aA.." sabat ni mama
"ay mama diba matutulog ka na? tulog ka na :D" pang'iwas na sagot ko sa nanay ko pero kinakabahan nako
"Hinde.. anu yon? jeff.." kulit ni mama
biglang tumingin sakin si jeffrey na animo'y nang-aasar.. nang biglang sinabi kong.. "WALA.. wala.. :D"
"parang the day you said goodnight lang oh.." asar nanaman ni jeffrey..
hindi nako nakaimik sa pambabasag ni jeff sakin at si roan ay natatawa na lang..
pagkatapos ng laro ay nag'ubos na lang kami ng oras sa kung anu anong bagay hanggang sa makatulog na sila..

pagtungtong ng madaling araw kumahol nanaman ang aso namin.. si glenn.. sinusundo na si roan..
"chong salamat talaga aa.. pasensha sa abala.." sabi ni glenn
"naku.. ako nga dapat humingi ng sorry kasi parang nireject ko kayo nung una"
"wag mo nang intindihin yun.. basta may utang na loob nako sayo"
"wala yun.. nagbabayad lang din ako ng utang na loob" usapan naming tipong taon na ang pinagsamahan

pag'alis ng magkarelasyon natulog na rin ako.. tulog na rin kasi si jep..
pagkagising ko dumating na si johans.. ang kapatid kong natulog sa van dahil hindi makauwi dahil stranded sila sa daan.. muka ring pagod na pagod ang kapatid ko kaya nahiga agad sha..

pagalis ni jeffrey dala dala ang hiram nyang puruntong kong walang butones dahil wala akong mapahiram sa kanya dahil hindi ako naglaba, dumirecho ako ng simbahan at nakita ko si carla.. nandun sila kahapon at hindi nakauwi dahil sa lakas ng ulan at dahil baha rin sa kanila..
"may mga extrang damit pa ba kayo? penge naman ohh.." pakiusap sakin ni carla..
dali dali akong umuwi samin para kumain at maghanap ng malaking tshirt para ibigay sa kanya.. pagkabigay ko nagpasalamat siya ng marami at umalis na..

isang taon na ang lumipas ngunit sariwa parin sa ala-ala ko ang mga pangyayari.. marami pang kwento ang hindi pa naikukwento.. kwento ng kabayanihan, kwento ng ngpakikisama, kwento ng pakikipag-kapwa tao, kwento ng pakikitungo at marami pang iba.. may mga nasiraan at nawalan ng gamit, may mga tuluyan nang nawalan ng matutuluyan at meron namang takot nang tirhan ang nakagisnang tirahan, at meron ding nawalan ng minamahal sa buhay. ngunit gayumapaman, maswerte parin ang ibang nabuhay dahil binigyan pa sila ng isa pang pagkakataon para ayusin ang mga mali sa buhay nila.. hindi hadlang ang isang trahedya para hindi na ayusin ang mga mali sa atin.. marami pang darating na sakuna at trahedya na maaaring mas malala o mas simple sa tumatak sa ating isipan.. ngunit anumang paghihirap ay may nakaambang ginhawa.. ang kailangan lang nating gawin ay magtiis, gumawa ng paraan at magdasal. ;)

salamat sa oras mo ;)